Enrolment options

Handa ka na bang tuklasin ang hiwaga at kagandahan ng ating sariling wika at panitikan? Sa iyong paglalakbay sa Filipino ngayong Ikawalong Baitang, bubuksan natin ang pinto tungo sa makulay na mundo ng literatura at wika, kung saan bawat tula, kuwento, at talinghaga ay may itinatagong aral at damdamin. Mas makikilala rin natin ang isa sa pinakadakilang manunulat ng ating bayan na si Francisco “Balagtas” Baltazar at aalamin kung paano niya nilikha ang walang kamatayang Florante at Laura, isang akdang puno ng pag-ibig, sakripisyo, at pag-asa para sa bayan. Halina’t tuklasin, namnamin, at ipagdiwang ang yaman ng ating kultura sa pamamagitan ng mga salita at akda na patuloy na nagbibigay buhay sa ating pagkatao.

Self enrolment (Student)