loader image
Skip to main content

Grade 7: PILIPINAS SA TIMOG-SILANGANG ASYA

Ang tunguhin ng kursong ito ay naglalayong magkaroon ng pag-unawa at pagpapahalaga sa pagiging isang mapanagutang mamamayan ng ating bansa bilang bahagi ng Timog-Silangang Asya. Binibigyang diin ng kursong ito ang malalim na pagtalakay, pagtaya, pagsisiyasat at pananaliksik sa mga isyung kinakaharap ng ating lipunan, bansa at rehiyon gamit ang mahahalagang kaisipan sa heograpiya, kasaysayan, kalinangan, karapatan at responsibilidad, pamumuno at pagsunod, ekonomiya, at likas-kayang pag-unlad.