Ang kursong ito ay nagpapamalas ng malalim na pag-unawa sa mga isyu at hamong panlipunan gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pananaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon, pagiging makatarungan, at matalinong pagpapasya tungo sa mapanagutang mamamayan ng bansa at daigdig. Partikular na tinatalakay rito ang mga isyung pangkapaligiran at pagtugon sa hamon ng Laudato Si; mga isyung pang-ekonomiya tulad ng globalisasyon, paggawa at migrasyon; isyung pangkasarian, at isyung pampolitika tulad ng pagkamamamayan, karapatang pantao at pananagutang pansibiko na kinahaharap ng mga bansa sa kasalukuyang panahon. Upang mas mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa Mindanao, layunin din ng kursong ito ang malalim na pag-unawa sa mga isyung pampolitika na nararanasan ng mga mamamayan. Bahagi rin ng kursong ito ang pagtalakay at pagsusuri sa mga napapanahong isyu at balita sa loob at labas ng bansa.
- Teacher: Helton Nepomuceno
- Teacher: Christine Nullan-Panen