loader image
Skip to main content

Enrolment options

Pagkatapos ng Ikasampung Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang Obra Maestrang El Filibusterismo, ilang uri ng teksto at saling-akdang pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng kamalayang global.

Ang kursong ito ay lilinang sa mga mag-aaral upang maging bihasa sa mga kasanayang makro (pagbasa, pagsulat, pagsalita, pakikinig, panonood, at pagtugon) na magagamit nila tungo sa higit na mabisa o epektibong pagpapahayag sa wikang Filipino. Nagtataglay ito ng mga aralin at pagsasanay sa wika at panitikan na magsisilbing daan sa mga mag-aaral upang malinang ang kakayahan sa mapanuri at malikhaing pag-iisip at matalinong pangangatwiran para aktibong makibahagi sa mga gawain tungo sa produktibong pagkatuto.

Bahagi pa rin ng kursong ito ang higit na paglinang sa mga kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri, at pagbibigay-halaga sa paghubog sa mga kaisipan sa paksang binabasa at tinatalakay. Binibigyang-diin sa pag-aaral na ito ang pagkilala at pananalig sa Poong Maykapal at pagpapahalaga sa kalikasan. Inihahanda ang mga mag-aaral para sa pagpasok nila sa susunod na antas ng pag-aaral.
Self enrolment (Student)